1
0
mirror of https://github.com/gorhill/uBlock.git synced 2024-11-17 16:02:33 +01:00
uBlock/platform/mv3/description/webstore.fil.txt

31 lines
2.5 KiB
Plaintext
Raw Normal View History

Ang uBO Lite (uBOL) ay isang eksperimental at *permission-less* na tagaharang ng content na nakabase sa MV3.
Tulad ng uBlock Origin, ito rin ang mga default na listahan ng mga filter:
- Mga built-in na listahan ng mga filter ng uBlock Origin
- EasyList
- EasyPrivacy
- Listahan ni Peter Lowe sa mga ad at tracking server (Peter Lowes Ad and tracking server list)
Makakapagdagdag ka ng higit pang mga patakaran sa pahina ng mga opsyon -- pindutin ang icon ng _gulong_ sa popup panel.
Deklaratibo lamang ang uBOL, kaya hindi nito kailangan ng permanenteng proseso upang mag-filter, at mainam na ginagawa ng browser mismo imbes na ekstensyon ang pagfi-filter sa content na nakabase sa CSS o JS. Ibig-sabihin, hindi kumokonsyumo ng CPU o memorya ang uBOL habang nanghaharang -- ang proseso ng trabahante ng serbisyo ay kailangan _lang_ kung nasa popup panel o pahina ng opsyon ka.
Hindi kailangan ng uBOL ang malawakang pahintulot para "basahin at baguhin ang data" pagka-install, kaya kung bago pa lang itong install ay limitado ang kakayahan nito kumpara sa uBlock Origin o iba pang mga pangharang ng content na nangangailangan ng malawakang pahintulot para "basahin at baguhin ang data" pagka-install.
Ngunit, pwede mong *pasadyang* pahintulutan ang uBOL na magkaroon ng pinalawak na pahintulot sa mga website na pipiliin mo para mas mapabuti ang pagfi-filter sa mga site na iyon gamit ang kosmetikong pagfi-filter at injeksyon ng scriptlet.
Upang bigyan ito ng pinalawak na pahintulot sa isang site, buksan ang popup panel at pumili ng isang mode sa pagfi-filter tulad ng Pinainam o Kumpleto.
Babalaan ka ng browser tungkol sa mga epekto ng pagbibigay ng karagdagang pahintulot na hinihiling ng ekstensyon sa kasalukuyang site, at kailangan mong tumugon kung pinapahintulutan mo ba ito o hindi.
Kung tatanggapin mo ang hiling ng uBOL para sa karagdagang mga pahintulot sa kasalukuyang site, mas magiging mainam ang pagfi-filter nito sa content para sa kasalukuyang site.
Maitatakda mo ang default na mode sa pagfi-filter sa pahina ng mga opsyon ng uBOL. Kailangan mong pahintulutan ang uBOL na basahin o baguhin ang datos sa lahat ng mga website kung pipiliin mo ang Pinainam o Kumpleto bilang default na mode sa pagfi-filter.
Tandaang kasalukuyan pang binubuo ang ekstensyong ito, at nilalayon nitong:
- Walang kakailanganing malawakang pahintulot pagka-install -- ibibigay lang ng user ang karagdagang pahintulot sa mga piling site.
- Deklaratibo lamang upang maging mapagkakatiwalaan at matipid sa CPU at memorya.